Bakit 1985, hindi 1986, talaga itinatag ang KPML?

BAKIT 1985, HINDI 1986, TALAGA ITINATAG ANG KPML? Ilang pagsusuri at ang mungkahing pagwawasto sa kasaysayan ng KPML ni Gregorio V. Bituin Jr. May tatlong petsa sa kasaysayan ng KPML na umabante ng isang taon. Ang lahat ng ito'y dahil sa pagkasaliksik sa talagang petsa ng EO 82 na nilagdaan ni dating Pangulong Cory Aquino. Ang petsa ng EO 82 ang dahilan ng usaping ito. Kung hindi dahil dito ay wala sanang problema sa petsa ng pagkakatatag ng KPML. Sinasabi sa dokumentong "Oryentasyon ng KPML" na isa ang KPML sa dahilan kung bakit naitayo ang PCUP. Narito ang problema. Kung hindi natin itatama ang kasaysayan, tiyak kukuwestyunin din ito ng mga susunod pang henerasyon. Baybayin muna natin kung ano ang nakasulat na kasaysayan batay sa "Oryentasyon ng KPML": B. BILANG PAMPULITIKANG KUMPEDERASYON Noong panahon ng diktadurang Marcos, ang pakikibaka ng mga maralita ay kalat-kalat at kanya-kanya. Walang sentralisadong pagkilos kung kaya’t mula sa ganitong kalagayan, iti...