Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2018

Polyeto hinggil sa RA 9507 na anti-maralita

ITAGUYOD ANG KARAPATAN SA PANINIRAHAN! HOUSING CONDONATION AND RESTRUCTURING ACT OF 2008, PAHIRAP SA MARALITA! Balita ang isyung bantang padlocking at ejectment ng mga bahay sa relokasyon ng hindi nakakabayad sa kanilang buwanang obligasyon. Upang maiwasan ang nasabing problema, inalok ng NHA ng bagong "tulong" ang mga naninirahan sa relokasyon. Ang solusyon: Pumaloob ang mga maralitang pamilya sa Kondonasyon at Pagreistruktura ng pagkakautang. Ano ba itong condonation and restructuring program? Ang sinasabing solusyon ang laman ng Republic Act (RA) 9507 o Socialized and Low Cost Housing and Restructuring Program na ipinasa ng Senado noong Agosto 27, 2008 at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Agosto 26, 2008, at nilagdaan ni dating pangulong GMA noong Oktubre 13, 2008. Binigyan ng 18-buwang palugit ang lahat ng mga may pagkakautang at noong Pebrero 13, 2010 ay natapos na ang palugit. Layunin ng programa na solusyunan ang lumalaking problema ng hindi pagbabayad sa mga pr...