Ang salitang "maralitang lungsod" sa KPML

ANG SALITANG "MARALITANG LUNGSOD" SA KPML ni Gregorio V. Bituin Jr. Mali daw ang salitang "maralitang lungsod", sabi ng isang kakilala. Syntax error daw ito. Pinupuna niya ang pangalan ng KPML, o Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod, o sa Ingles ay Congress of Unity of the Urban Poor, na kadalasang nababasa nila sa mga polyeto, pahayag, press statements, at press releases. Ito ang orihinal na pangalan ng KPML na makikita sa mga lumang dokumento nito. Ngunit minsan ay pinaghihiwalay pa namin ang salitang "maralitang lungsod" upang maging Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod, dahil hindi pa ito maipaliwanag noon ng maayos. Kailangang magsaliksik, kailangang maghanap ng angkop na paliwanag. Mali nga ba ang nagpasimula ng KPML sa kanilang inaprubahang pangalan nang itatag ito noong 1986? Ayon sa aking kakilala, pag sinabing "maralitang lungsod", ito'y hindi tumutukoy sa tao, kundi sa uri ng lungsod. Sa ibang salita, ang "mar...